Thursday, October 16, 2014

sipon

kailan mo ba balak umalis?
di ka naman nagbabayad ng upa
wala rin namang anupamang buting dulot.

ilang araw ka lang dapat di ba?
naambunan nga kasi ako
lakas pa ng ulan n'ung isang araw.

hanggang kailan mo ba balak mag-stay?
masakit ka kasi sa ulo
may sakit pa sa kasu-kasuan.

wala ka na sa weekend di ba?
kapagod na suminga
magbabalat na rin ang di dapat magbalat dahil sa iyo.

alis ka na kaya?
suggestion lang naman ha.
kung di naman nakakaabala sa iyo.

No comments: