dumating
na nga ang paham na si leonardo da vinci sa manila at ito ay sa pamamagitan ng
eksibisyong da vinci – the genius sa the mind museum. ito na raw ang
pinakakomprehensibong eksplorasyon ng pamana ni da vinci na gawa ng grande
exhibitions australia. may halos 200 na mga gawa ng henyo ang makikita sa
eksibit. mula sa kanyang mga likhang sining, pandigmang kagamitan, mga kodisyo,
at maging mga prototipo ng mga makinang panlipad. kagabi, saksi kami nila ate joy at chumcie sa selebrasyon para sa isa sa impluwensyal na mga indibidwal sa
kasaysayan ng tao. di matatawaran ang ambag ni da vinci sa kabihasnang mayroon
ang mundo. mantakin mong ilang daang taon pa ang bibilangin pagkaraan ng
kanyang kamatayan ngunit inilatag na niya ang batayan para sa modernong imbensyong
tulad ng parakaida, elikoptero, eroplano, bisikleta, otomobil at maging submarino. lahat
ng ito’y nagkaroon ng malalim na impluwensya at nagbigay-daan sa modernong
pamumuhay na alam natin ngayon.
nakatutuwa
ang interaktibong ekperiyensya sa the mind museum. bawat sulok ng eksibit ay
nakatuon sa isang tapyas ng pagkahenyo
ni da vinci. bubulaga sa iyo ang ikonikong mga dibuho ni da vinci tulad ng mona
lisa at the last supper, habang ihahaylayt naman ng ibang porsyon ang kanyang
mga imbensyong pangmilitar, akwatiko, paglipad, mga ilustrasyong pang-anatomiya
at marami pang iba. di ko na nga napansin ang mga kawikaan sa pasukan ng
eksibit kaya bago umalis ay binasa ko ang mga ito. maaaring may
pinagdadaanan lang ako sa buhay-trabaho kaya napukaw ng mga linyang ito ang
aking atensyon ngunit akma pa rin ang mga aksyom na ito sa pang-araw-araw na buhay hanggang ngayon:
every now and then go
away, have a little relaxation, for when you come back to your work, your
judgment will be surer. go some distance away because then the work appears
smaller and more of it can be taken in at a glance and lack of harmony and
proportion is more readily seen.
experience does not
err. only your judgments err by expecting from her what is not in her power.
alam
kong hindi mamuseo ang mga pinoy tulad ng ibang lahi. pero hindi dapat puro sa
mga mall ubusin ang enerhiya, pera’t panahon. maano ba namang kumultura
magkaminsan at paganahin ang analitikal na bahagi ng utak. magandang simula para
sa lahat ang mind museum at ang bago nitong eksibit kay da vinci.
No comments:
Post a Comment