kumalam
ang sikmura eh. kaya naman nagpaanod na sa naisin. humanap ng makakain. tingin-tingin.
pili-pili. may kaunting alinlangan. di mo rin kasi tiyak kung pareho lang ang
lasa ng pagkain sa magkaibang tindahan ng parehong kainan. pero dahil nga may
nagsusumigaw na sa sikmura mo, kailangan mo nang magdesisyon. eh di ‘yun na
nga. sa likod ng iyong isipan, hinahangad mo na lang na sana’y masarap ang
napili mong pagkain. sa gayon, di ka manghinayang sa ginastos mo.
umayon
naman sa kagustuhan ang agos ng mga pangyayari. ok nga ang napili. masarap at
nakabubusog. hindi ‘yung busog na busog... ‘yung tamang busog lang. sapat upang
bigyan mo ng tapik ang iyong balikat na ‘ok ‘yung napili mo ah!’. ok kasi ibig
sabihin nito, di nasayang ang pera at nakuha mo naman ang kabusugang nais.
ronda pa sana kung di ok ang napili
eh. kung ganoon ang nangyari, doble-doble pa ang effort para lang makahanap ng
masarap na pagkain. siyempre, may halong inis na ‘yun kung di umokey ‘yung
unang napili.
tenk
yu sa masarap na chicken joy at matamis na spaghetti ng jollibee! sa uulitin!
No comments:
Post a Comment