ang bukas na liham ni ahenteng galit sa walang kaluluwang si janet napoles.
Dear Janet Napoles,
Pasensya ka na at sinulatan kita.
Hindi na kasi ako makapagpigil. Hindi ako manunulat. Isa akong ahente ng
kung ano ano, 18 years nq ako nagttrabaho, buong buhay ko ahente ako.
Nagbenta na ako ng grocery items, plan ng cell phone, insurance, credit
cards, kotse, kabaong, condo, barley, lahat pinatulan ko. May dalawa
akong anak 6 at 9, babae pareho. Ang Mrs ko hindi ko na alam nasaan na
cya kasi mula ng nag Qatar cya noon 2009 hindi na kami tinawagan.
Sinulatan kita kasi galit na galit ako sayo. At sana kahit papano mabasa
mo ito, kasama ng asawa mo, mga anak mo, mga kaibigan mo, at mahiya ka,
mahiya ang mga kamag anak mo, mahiya ang mga kaibigan mo sa
kawalanghiyan na ginawa mo.
Marami na akong nabasang pagnanakaw sa
gobyerno mula sa pagkukurakot ni Marcos, nila Erap, Arroyo, lahat ng mga
scandal na yan , pero ngayon lang ako talagang nagalit sa scandal mo.
Lahat ng mga politiko kasi kahit papano may ginagawa kahit kurakot sila.
Nasa linya nila yan. Sabihin natin na sa bilyon na na kurakot nila,
pero kahit papano may tulay, may airport, may ospital o kalsada na
nagawa, may mahirap silang pinakain, may mga batas na pinairal na
nakatulong sa taong bayan. Ang San Juan pinaganda ni Erap at mahal na
mahal cya ng mga tao doon kasi tinutulungan sila. Kahit si President
Arroyo may mga ginawang reporma sa econimiya na nakatulong sa pagusad ng
bansa natin ngayon. Eh ikaw, ninakaw mo lang ang pera ng mahihirap.
Ghost deliveries, forged documents. Ginawa mo lang talagang tanga ang
taong bayan. Para saan? Para mamili ka ng trentang kotse? Ilan ba kayo
sa pamilya? Apat lang kayo diba? Bakit kailangan nyo ng trentang kotse?
Iba ba ang sinasakyan nyo sa umaga, sa tanghali, at sa gabi? Ginawa mo
cgurong lalagyan ng pera ang mga kotse na yan noong puno na ang bath tub
mo ano? Lantarang ninakaw mo lang ang pera na nanggaling sa bulsa ng
mga dukhang emplayado na katulad ko.
Mayabang ka kasi. Ano ba ang akala mo sa
mga tao. Lahat kami tanga? Lahat kami mauuto sa kwento mo na galing sa
Indonesia ang kayamanan mo? Kung ako hindi tanga mas lalo na ang mga
taga NBI at COA. Naniniwala ako na kahit corrupt ang karamihan na ng
dyan, may mga tao dyan na totoong naglilingkod sa bayan, at ginagawa
lang ang trabaho nila sa paghabol sayo. Nabasa ko na noong binunganga ka
ng mga informants, naiyak ang isang taga NBI sa kwento. Alam mo kung
bakit sya naiyak? Kasi itong NBI agent na yan katulad ko rin yan na bwan
bwan naghahabol ng pambayad sa Merlaco, renta, insurance, matrikula, at
pambayad utang. Naiyak cya kasi katulad ko hirap na hirap kami kumita,
at ito ang kwento mo na sampung putanginang billion pesos ninakaw mo.
Hindi mo cgurong inakalain na papatulan ka
ng NBI? Akala mo cguro mabibili mo ang lahat? Kaya gigil na gigil sayo
ang NBI, COA, BIR, at cguro ang buong sambayanang Pilipino, kasi ilang
pamilya na sana ang nakatawid kung ang 10 bilyon na yan ay napunta sa
kanila, ilang studyanteng napaaral na sana, ilang sakong bigas ang
nabili at napakain sa batang lansangan, ilang ospital na para sa
mahihirap ang napatayo, ilang mga OFW na sana ang napauwi, ilang matanda
na sana ang nabigyan ng mas magandang pensyon. Maraming buhay ang
nasira nyo madam.
Magtago ka nalang. Kasi kung ako makita
kita sa kalsada sasagasaan kita. At mainam na cguro malaman mo na hindi
lang ako ang galit na galit sayo. Buong Pilipinas galit sayo. Wala kang
puso magnanakaw ka.
Ahenteng Galit
No comments:
Post a Comment