aalis
na nga ‘yung isa sa matataas na piyon ng demona. halos dalawang linggo na lang
at tuluyan nang baba-bye ang isang ito. mas pinili niyang umiba ng direksyon
kaysa manatiling kilalang kapanalig ng bungang-ugat.
ang
siste, abut-abot ang panic ng demona. pinagmamadali ang lahat na magsumite ng
mga bagay-bagay. di na inisip na may iba pang inaatupag ang mga tao sa iba’t
ibang bansa. kasalanan ba ng ibang pangkat na bigo kang mapanatiling motibado't masaya ang sariling mga kapangkat?
bakit
nga ba kasi nagmamadali? hindi dahil gusto niyang magbenta pero dahil gusto
niya lang magmadali. may ligaya kasing dulot sa demona ang pangangarag nito sa
lahat ng taong nakapaligid sa kanya. para itong bitamina’t mineral na
nagbibigay ng enerhiya sa demona... mas maraming napapagod, mas maigi. mas marami
ang nahihirapan, mas ok para sa kanya. higit na importante para sa demona ang
maghasik ng di kailangang presyur.
tutal
ikaw naman ang pinakamagaling sa lahat, bakit hindi na lang ikaw ang gumawa ng
lahat? peste.
No comments:
Post a Comment