Saturday, February 28, 2009

labalan

dami nang nagsulat tungkol sa mga kakatwang istiryotipikal na mga tema at sahog sa pelikulang pilipino. pero sa tuwing makakabasa ako ng mga tulad ng nasa ibaba, natatawa pa rin ako! una, masasabi mong pinoy lang ang makaiisip ng mga gimik na tulad ng ganito. pangalawa, magaling raw tayong mangopya. pero 'pag kinopya natin, nagiging kakatwa at siguradong malalahukan ng sangkaterbang kabaduyan at tipikal na pormula. at pangatlo, hanggang ngayon, marami pa rin sa 20 puntos na ito ang ginagamit sa mga palabas, lalo na sa telebisyon dahil naghihingalo na nga ang industriya ng pelikula... marahil na rin sa pormulang matagal nang gasgas. buti nga't namatay na ang mga pelikulang aksyon at nabawasan ang mga kakatwang eksena! pero sana naman ay makagawa tayo ng mahusay na pelikulang pandaigdig ang halina ngunit taal na pinoy ang talakay. kailan kaya 'yun?!




The Top Twenty Signs That You're Watching A Pinoy Movie


1. Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa 'yung mga ulo nila.

2. 'Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas ng kilay at ngingisi.

3. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng "Inaaay!" at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pansit nagdadala ng malas - nakakamatay.


4. Pag may magkaribal na babae, yung mabait deretcho ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.

5. Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

6. Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

7. Kapag may angry mob na pupunta sa bahay-kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

8. Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya 'yung title ng pelikula.

9. Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, "Mga bata."

10. 'Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya ng bida. 'Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada. Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang niya arms niya covering his face tapos sisigaw 'yung kapatid ng 'kuyaaa!' ... Next scene nasa ospital na sila. Simula na ng drama.

11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.

12. Kapag sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin ng bida: "hayop ka!"

13. Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo niya sa ending.

14. Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap laging naka duster.

15. Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.

16. Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagi-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog.

17. Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, "Mga inutil!"

18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

19. Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo niya.

20. Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast.... sabay freeze.

2 comments:

same old kamote on top said...

magaling..magaling, ahahaha natawa ako sa maraming punto sa sinabi mo!...lalo na ang mga straight na hair ng mga protagonista vs curly or wavy hair ng mga antagonista!..ahahaha,,naaliw ako

dyoobshvili said...

wahahahaha! katawa nga 'to, ate weng!